What is the difference between Single Attached and Single Detached house?
Hi magandang araw po uli sa ating mga kababayan. Para po sa BLOG na ito ang atin pong topic ay tungkol sa pagkakaiba ng Single Attached type na bahay at Single Detached. Kung kayo po ay bago pa lang naghahanap ng bahay na pwedeng bilihin marahil ay palagi nyong nababasa ang ilang sa terms na ito sa tuwing tayo po ang nag browse na sa internet. Ito po ang ilang sa type of houses na ibinebenta sa atin ng mga Real Estate Developer. Bungalow type, Single Attached, Single Detached, Townhouse, Duplex and rowhouse. Meron pang loft type, pero tayo po ay mag concentrate sa Single Type of houses.
Single Attached Type of House
Marahil kung papipiliin ang marami sa ating sa gusto nilang itsura ng bahay, sa aking palagay marami ang magsasabing Single Type. Una po kasi kapag ang isang bahay ay Single Attached o Detached meron po itong mga setbacks. Setbacks po ibig sabihin extra space or lupa pa liban sa space na kinuha ng bahay. Kadalasan din kapag Single Attached or Detached ang bahay na ating kinukuha meron din itong space para sa parking o garahe.
Ang picture po na nasa itaas ay isang Single Attached house type. Ito po ay isang model house sa Terraverde Residences sa Carmona, Laguna. Bakit nga ba ito tinatawag na Single Attached? Sa pangalan pa lang po mismo na "attached" kung ating isalin sa tagalog ay dumikit o idikit. Kaya po kung mapapansin natin sa larawan ng bahay sa itaas ay meron itong diretsong pader sa isang gilid na walang anumang butas para sa bintana, exhaust, aircon or pintuan at hindi po itong pwede lagyan kasi ito po ay nagsisilbing firewall din. Kung tayo po ay mayroong kapitbahay, kapag nakasingle attached type po tayo ay pwede po silang dumikit sa firewall ng ating bahay kung sila ay mag extend for terrace or magpagawa ng gate. Bakit po pwede nilang gawin. Simple lang po ang sagot kasi hanggang sa pader or firewall po ng nakuha nating bahay ang kanilang property line. Kaya po kapag kukuha tayo ng bahay na single at ayaw natin na madidikitan ang bahay natin sa mga modification ng ating kapitbahay dapat po ang ating kuhain ay Single Detached at hindi Single Attached. Tingnan po natin ang susunod na larawan ng isang Single Attached house.
Ang larawang pong ito ang nagpapakita ng typical na Single Attached House. Makikita po natin na nakadikit sa pader ng kabilang bahay ang gate modification ng kanilang kapitbahay.
Note : Pwedeng dumikit pero hindi po sinabing iyo rin. Kaya hindi po tayo pwedeng magbutas sa pader na yan ng ating kapitbahay para sabitan ng ating gamit. Ang tamang gawin po ay maglagay tayo ng sarili nating pader na ididikit dyan sa pader ng ating kapitbahay at doon tayo pwedeng magbutas at maglagay ng ating modification kagaya ng terrace o mga cabinets.
Isa pang halimbawa kapag nag modify ang ating kapitbahay na didikit sa ating bahay na Single Attached type.

Punta naman po tayo sa Single Detached type na bahay. Alam ko kahit papaano nagkakaroon na kayo ng idea kung ano ang itsura nito. Pero ulitin natin ang pag analyze. Sa pangalan pa lang na "Detached" medyo makukuha na natin. Ang tagalog kasi ng Detached ay hiwalay. Ibig sabihin ang bahay natin ay nakahiwalay sa iba pang bahay. Tingnan po natin ang halimbawa ng Single Attached na bahay sa susunod na larawan.
Ito po ay isang Single Attached type na bahay pero Bungalow type. Bungalow ibig sabihin naman po ay walang second floor. Pwede rin kasi na Single Detached at 2 storey or 2 floor sya.
Kapag Single Detached ang bahay na kinuha natin, ito ay nakatayo sa gitna ng lupa na ating binili. Karaniwan kapag Single Detached ay mayroon pa tayong extra space sa likod, magkabilang gilid ng bahay at sa unahan ng bahay na makikita natin sa larawan sa taas. Tingnan naman natin ang larawan na ito na dalawang palapag na Single Detached house.
Kapag Single Detached ang ating unit na nakuha at lahat kayo ay naglagay ng bakod, makikita na ang magkakadikit lang ay ang mga bakod na tinayo at ang bahay ay nakagitna sa lupa na ating binili.
Bilang summary kung ano po ang pinagkaiba ng Single Attached at Detached, tingnan po natin ang larawang ito.
Bilang summary kung ano po ang pinagkaiba ng Single Attached at Detached, tingnan po natin ang larawang ito.
Ang nasa taas po ay ang Single Attached po at ung nasa baba ang halimbawa ng Single Detached. Ang yellow dashline ay ang property line ng house and lot na ating kinuha.
Please SHARE po natin ito upang malaman din ng ibang nating kababayan ang pagkakaiba ng Detached at Attached. Minsan kasi sinasabi ng ating kausap online na Detached daw ang bahay na ibinebenta sa atin pero sa aktwal pala ay Single Attached.
0 comments:
Post a Comment