What is SPA Form? For OFW (Overseas Filipino Worker) who plan to buy a house and lot this is for you!
Magandang araw po uli sa ating mga kababayang OFW. Ang BLOG pong ito ay may paksa patungkol sa SPA Form na ang ibig sabihin ay Special Power of Attorney. Ano nga ba ito at bakit mahalagang malaman ng ating mga kababayan na nasa ibang bansa na nagnanais na kumuha ng bahay dito sa Pilipinas.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng SPA? Maririnig nyo kasi palagi sa mga ahente or broker kapag kayo ay nagtanong online ay sasabihin sa inyo na kailangan ninyong mag execute ng SPA bilang OFW. As mention po above ang ibig sabihin ng SPA ay Special Power of Attorney. Ang SPA ay isang form na nanggagaling sa mga developer kung saan tayo po ay kumukuha ng bahay. Nagkakaiba sila ng kaunti sa nilalaman kasi depende po sa isang developer kung ano ano ang mga kapangyarihan o rights na maaaring ibigay ng isang OFW sa kanyang representative dito sa Pilipinas. Maririnig nyo naman kadalasan ang salitang Attorney-In Fact. Sa simpleng salita ay ang representative o taong binigyan ng rights para sa mga transaction na dapat sana ang OFW na kumukuha ng bahay ang gagawa.
Ang kadalasang nangyayari kapag ang isang kumukuha ng bahay ay nasa abroad na, ay ipinapadala sa kanilang email ang SPA Form na ito. Ito po ay kanilang i print, fill up ung ibang item like name ng OFW at ang name ng taong kanilang binibigyan ng rights dito sa Pilipinas na mag transact in their behalf. Kadalasan po ay kailangan i print po ito ng 5 piraso. Pagkatapos ay dadalhin nila ito sa Philippine Embassy kung saang bansa sila naroon para i consularized o i red ribbon.
May mga developer na napayag ng 2 red ribbon lang kasi medyo mahal din ito. Pero sa iba ay kailangan po talaga na 5 red ribbon na SPA Form. Ibig sabihin po ay limang printout ng SPA Form na may kanya kanyang red ribbon. Counted as one lang po kasi kapag limang copy ng SPA Form na nakapaloob sa isang red ribbon. Kapag ito po ay nagawa na ay ipapadala na po ito ng OFW sa kanyang representative dito sa Pilipinas. Saka pa lang malalagyan ng pirma ng representative yung part ng SPA Form na nakalagay ang kanyang pangalan at lagda. Kapag okay na po ang lahat ay ibibigay na po ng Attorney-In Fact or ng kanyang representative sa Marketing Department ng developer ito.
Ngayon meron naman pong case na paalis pa lang tayo for abroad. Nakapag tingin na tayo ng mga project and subdivision at namimili na lang tayo kung ano ang ating kukunin. Para hindi na po kakailanganin na pumunta ng Philippine Embassy kung saang bansa tayo patungo, ang pwedeng gawin ay humingi na kaagad ng SPA Form sa developer na balak nating kuhanan ng bahay. Agad nating ipa notaryo ang SPA Form na ating nakuha. Lalabas po kasi at makikita sa Entry and Exit ng ating passport na ang petsa ng pag notaryo ng SPA Form ay nandito pa tayo sa Pilipinas. Valid po ito at ang pinakamagandang gawin ng isang OFW na aalis pa lang at nagbabalak na kumuha ng bahay.
Kahit po ang representative o Attorney-In Fact ang naka pirma sa mga documents ng bahay na kinukuha ng OFW, ang titulo po ng property ay nakapangalan pa rin sa kanya. Kaya kailangan pa rin ang mga Passport, Birth Certificate, Government IDs ng OFW para ma verify ang spelling ng kanyang pangalan kasi ito ang ilalagay ng developer kapag gagawan na ng titulo ang bahay na kanyang kinukuha.
Ang pagkuha ng bahay kung ikaw ay isang OFW ay madali lamang basta meron po kayong panahon para pumunta ng embahada para sa red ribbon o consularized ng SPA Form.
Sana po ay makatulong ito o nakapag bigay ng liwanag sa ating mga kababayan na nagnanais makakuha ng bahay pero may mga agam agam pa. Please SHARE this post para po makatulong din sa iba. Pwede rin po kayong mag-iwan ng comment sa baba para akin pong masagot.
Ang larawan sa baba ay isang halimbawa ng SPA form ng isang developer.

0 comments:
Post a Comment